lyrics
TULOY-TULOY
Gusto kong tumalon, gusto kong lumipad
Gusto kong gumulong sa kalsadang malapad
Gusto kong magbisikleta, gusto kong magmaneho
Gusto kong magpahinga muna ang mga kuneho
Gusto kong kumindat, gusto kong maduling
Gusto kong pansinin natin uli ang ating sining
Gusto kong pagpawisan, gusto kong mabanat
Gusto kong makilala ang ating yamang gubat at dagat
Gusto kong nakakakita ng mga taong naka-ngite
Gusto kong pigain ang inyong mga pisnge
Gusto kong ayusin ang pila sa MRT
Gusto kong nakikita nyo ako sa inyong TV
Gusto ko ang amoy ng hinog na mangga
Gusto kong abanagan ang inyong bagong tula
Gusto kong nakakausap ang mga taong kwela
Gusto kong magpansinan ang ‘ di magkakilala
May nagsindi ng apoy
Nag-hukay ng kumunoy
Ngunit heto pa rin ako
Tuloy-tuloy
Ako’y nangangamoy
“Tigilan mo ‘yan boy!”
Ngunit heto pa rin ako
Tuloy-tuloy
Gusto kong maghanda, gusto kong masabik
Gusto kong nagmemeryenda ng sumang latik
Gusto kong kumendeng, gusto kong mangilabot
Gusto kong maabot ang hindi ko makamot
Gusto kong tumawid, gusto kong makarating
Gusto kong marinig ang iyong mga daing
Gusto kong sumipol, gusto ko ng talento
Gusto kong ibalik ang salitang respeto
Gusto ko ang amoy ng pinipritong bawang
Gusto kong makamayan ang mga taong matapang
Gusto kung kumakain ng bagong luto
Gusto kong masanay na derecho ang upo
Gusto kong makausap ang mga nawawalan ng pag-asa
Gusto kong makasama ulit ang aking pamilya
Gusto kong tanggapin natin ang ating sitwasyon
Gusto kong makaisip ng isang magandang solusyon
May nagsindi ng apoy
Nag-hukay ng kumunoy
Ngunit heto pa rin ako
Tuloy-tuloy
Ako’y nangangamoy
“Tigilan mo ‘yan boy!”
Ngunit heto pa rin ako
Tuloy-tuloy
credits
license
feed

feeds for ,