Piling​-​Pili at Pinong​-​Pino

from by Miko Pepito

Ilalabas Ko Na Ang Mga Ito Bago Pa Mapanis cover art
/

lyrics

PILING-PILI AT PINONG-PINO

Anong maipagyayabang mo bilang isang Pilipino?
Bilang isang kayumangging naka-taas ang noo?
Bilang isang pango na sumasaludo sa ating bandila?
Bilang isang anak ng tatlong tala?
Bukod sa mga tanawin na natutunan natin sa eskwela
Andyan ang mga ugali na hinahanap ng iba
Andyan ang mga ngiti na satin lang makikita
Andyan ang mga kamay na hanep humulma

Bawat bansa may Pilipinong musikero
Doktor, housemaid, inhinyero…
Kahit ano pa yang serbisyo nyo
Tandaan mo na maraming tao ang apektado sa bawat galaw mo.
Huwag mong nila-lang-lang yang position mo
Kasi kung lumaki ng maayos yang alaga mo
Yan ay dahil sa mabubuting asal na itinanim mo
at dahil dyan, ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa’yo

Pilipino. Piling-pili at pinong-pino.
Isang bansang nagpapakilala sa mundo.
Isang kulay na hindi banyaga sa ibang bansa.
Isang diwa na walang kupas na humahawa.

Kinakaya natin ang kaya nila.
Nabansagan tayo na magaling mang-gaya.
Pero tandaan na ang pag-gaya ay unang hakbang pa lang
Patungo sa isang malupit na produkto na kung anuman.
Parang mainit na kutsilyo sa mantikilya
Ganyan ang talas ng ating mga dila.
Yung tigas at lambing na pinagsama
Yan ang kagandahan ng ating wika.

Bakit tayo nangingibang bansa? Dahil lang sa pera.
Pero bakit satin dumadalaw ang mga banyaga?
Dahil meron tayong yamang natural na wala sa kanila.
Pinili ng Bathala ang ating lupa para lumikha.

Lahat ng tao nagkakamali, buong mundo napapatid
Kaya ‘wag kang mahihiya sa mga nagawa na iyong mga kapatid.
Uullitin ko ang mga sinsabi ng mga bayani noon pa,
Ehem ehem, panahon na!

Pilipino. Piling-pili at pinong-pino.
Isang bansang nagpapakilala sa mundo.
Isang kulay na hindi banyaga sa ibang bansa.
Isang diwa na walang kupas na humahawa.
Pilipino. Piling-pili at pinong-pino.
Hindi ako titigil sa kakasabi nito
Kung hanggang ngayon hindi ka pa rin naniniwala
Iwawagayway ko and bandila natin sa iyong mukha

PILIPINO. PILING-PILI AT PINONG-PINO.

credits

from Ilalabas Ko Na Ang Mga Ito Bago Pa Mapanis, released 02 January 2012

tags

license

feed

feeds for this album, this artist

contact / help

For help with downloads, click here.

For all other inquiries, click here.