Ilalabas Ko Na Ang Mga Ito Bago Pa Mapanis cover art
/

lyrics

MAY PULIS SA ILALIM NG ISPEL

May pulis, may pulis sa ilalim ng ispel
Humahanga sya sa tatay nyang importante ang papel
Lagi nyang dala ang laruan nya na baril
May pulis, may pulis sa ilalim ng ispel

Bata pa lang sya gusto na nyang maging pulis
Yung magiting, matipuno, pogi at malinis.
4 by 5 na white-side-wall ang buhok
Matingkad ang tsapang sa dibdib nakatusok.
Mabait na bata at masipag mag-aral,
Bago kumain lagi syang nagdarasal.
Minsan nauuna pa sya sa gawaing bahay
Para ‘di daw napapagod ang kanyang nanay.
Pagtanda nya nagbago ang kanyang mundo.
Nawasak ang simbolo ng kanyang idolo.
Sa pera at kapangyarihan sya sumaludo
At ang tatay napakamot na lang ng ulo.

May pulis, may pulis sa ilalim ng ispel
Nakulam sya ng pera, ng barya at ng papel
Kung mapapansin mo laging bago kanyang cell
May pulis, may pulis sa ilalim ng ispel

“Serbisyo sa kapwa”, sabi ng kanyang sarhento
“‘Di na noh!” sabi ng boses sa kanyang ulo.
Bawat makasalubong ay potensyal na kandidato
“Kaching kaching” ang tunog ng kanyang pito
Naka-uniporme pa habang bumibili ng pirata
Gamit nya ang wang-wang pag sinusundo ang asawa
Nadugtungan lang ng patrolman ang pangalan
Akala mo eh binigyan na sya ng isang buong kaharian
Malamang narinig mo na ang kanyang mahiwagang linya
Ito ang madalas na simula ng kanyang litanya
“Hoy! Hindi mo ba alam na pulis ako?”
Isa lang masasabi ko, “Ok! Nice to know.”

May pulis, may pulis sa ilalim ng ispel
Nakulam sya ng pera, ng barya at ng papel
Kung mapapansin mo laging bago kanyang cell
May pulis, may pulis sa ilalim ng ispel

Nung isang araw habang kumakain ang pamilya
Lumapit ang panganay at sinabing “Bad ka!”
Hindi man lang kita maikwento sa eskwela.
Hindi man lang kita matignan sa iyong mata.

Yung pulis, yung pulis nagising sa kanyang ispel
Nanginig yung ulo, nanginig na parang bell
Yung itsura nya parang nahuli sa motel
Yung pulis, yung pulis nagising sa kanyang ispel

credits

from Ilalabas Ko Na Ang Mga Ito Bago Pa Mapanis, released 02 January 2012

tags

license

feed

feeds for this album, this artist

contact / help

For help with downloads, click here.

For all other inquiries, click here.