lyrics
MAGTANIM AY ‘DI BIRO
Magtanim ay ‘di biro
Lalo na ‘pag galit ang tinanim mo
Kasi ‘pag yan ‘di mo nailabas
Mapapanis yan bukas
Kung sakaling maulit ‘to
Puputok yang dibdib mo
Lalabas nang wala sa lugar
Lahat tuloy sa’yo asar
Kung nung bata ka, tinisod ka
Binatukan, pinaiyak ka
Pinahiya at tinawag ka pa na mukang muta.
Lumabas ang kamao pero tinago rin sa bulsa.
Dahil ‘yan ang tinuro ng iyong ama’t ina.
Ngayon anong plano mo sa galit na naranasan mo?
Ipapasa mo ba ‘to sa katabi mo?
Kung uulit lang ang proseso at kakalat sa ibang tao
Malamang bago maghapunan nakabalik na ‘to sa’ yo.
Ngayong ika’y tumatanda na ang taas na ng pader mo.
Ni hindi ko na nga naririnig ang tibok ng iyong puso.
Kailangan ko pa bang humingi ng tulong sa akyat-bahay
Para lang makilala ko ang iyong tunay na kulay?
Kelan ba ang byahe? Andami mo kasing bagahe.
Baka pwedeng iwan mo na lang yan dyan sa may kalye.
Maraming paraan para ito’y burahin.
Isulat mo, ikwento mo, o ibulong mo sa hangin.
Magtanim ay ‘di biro
Lalo na ‘pag galit ang tinanim mo
Kasi ‘pag yan ‘di mo nailabas
Mapapanis yan bukas
Kung sakaling maulit ‘to
Puputok yang dibdib mo
Lalabas nang wala sa lugar
Lahat tuloy sa’yo asar
OOH! Aray! Ang saklap ng buhay.
Araw-araw pagkatao mo’y namamatay.
Walang iba kundi sarili mo ang sisisihin.
‘Yung mga letra ng pangalan mo’y wala ng ibig-sabihin.
Sino ka? Malay ko! Tanong mo sa umapi sa’yo.
Pero ‘wag ka nang umasang ibabalik pa nya ito.
Kasi hindi naman nawala, ikaw lang ang nagtago.
Yung kalat mo inipon mo, ayan tuloy natabunan mo.
Subukan mo, tanggalin mo ang iyong maskara.
Siguradong matutuwa ka sa iyong makikita.
Tapos kahit ano pa ang sabihin ng iba,
Buong-buo sa’yo na pogi at maganda ka!
Ngayong wala ka nang dala mas madali nang gumalaw.
Yung mga kilos mo, swabe, parang lagi kang sumasayaw.
Yung mga balikat mo hindi na mangangawit
Sa takot, sa yabang, at kung ano-ano pang nakasabit.
Magtanim ay ‘di biro
Lalo na ‘pag galit ang tinanim mo
Kasi ‘pag yan ‘di mo nailabas
Mapapanis yan bukas
Kung sakaling maulit ‘to
Puputok yang dibdib mo
Lalabas nang wala sa lugar
Lahat tuloy sa’yo asar
credits
license
feed

feeds for ,