lyrics
MAGING SINO KA MAN
Ang pag-ibig ay sadyang ganyan
Tiwala sa isa’t-isa’y kailangan
Dati mong pag-ibig wala akong paki-alam
Basta’t mahal kita kailan pa man
Wala pa po akong ibang minamahal, ikaw ang una
Ay teka, nauna pala sayo si Cinderella
Pero walang nangyari sa’min promise
Drawing kasi sya, tahimik at isnabera
Ang aking dalumhati ay sa sports ko dinaan
Ito lang kasi ang nakita kong paraan
Sa Kung-Fu at Gymnastics ako’y nagpaka-sasa
Kasi sa pagiging ninja, gusto ko maging dalubhasa
‘Wag kang mag-isp ng ano pa man
Mga paliwanag mo’y ‘di na kailangan
At kahit ano pa man ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man
Weh?
Kahit dati akong basurero
na mamboboso
At paborito kong amuyin labi ko,
Ok lang sa’yo?
Kahit na galit ako sa anino ko ‘pag nasa harap sya
Kasi ako dapat sinusundan niya and not vice versa
Ok lang sa’yo,
na kahit hindi mo pa ako kilala
Isang taon na kitang sinusundan
Ganun pa man
Mamahalin mo pa rin ako magpakailan man?
Ows? Sige nga tignan ko.
One time lang.
Paamoy ng labi mo.
Mahal kita
Basta’t mahal kita
Iniisip nila na hindi mahalaga
Mahal kita
Maging sino ka man
Teka teka teka teka
Sino ang nag-sabi
na ang pag-ibig ay hindi mahalaga?
Baka patumba ko sila sa mga kaibigan kong ninja
Hindi ba nila alam
na ang pag-ibig ang nagpapa-ikot sa ating mundo
Ang kaso
‘Yung tsuper mukang maaga nag-retiro
Pero hayaan mo, handa akong palitan sya
Dahil sa’yo ang pag-ibig ko’y umaapaw na
At dahil dito magpapasalamat sa’yo ang buong mundo
Pero bago ko gawin ‘to
Sige na, one time lang,
Paamoy naman ng labi mo.
Mahal kita
Basta’t mahal kita
Iniisip nila na hindi mahalaga
Mahal kita
Maging sino ka man
credits
license
feed

feeds for ,