Ilalabas Ko Na Ang Mga Ito Bago Pa Mapanis cover art
/

lyrics

KUNWARI

Kunyari nanonood ka ng T.V. at nakita mo yung paborito mong celebrity.
Kunyari gusto mo gayahin yung kanyang baro kasi ito ang bago at uso.
Kunyari ito na nga ang suot mo pagpunta mo sa bagong tambayan ng mga tao.
Kunyari pakiramdam mo ikaw na ang the best dahil sa suot mong vest.
Kunyari may nakita kang type mo, at dahil sa suot mo, nilapitan mo.
Kunyari may kausap ka pa sa telepono bara ‘di obvious ang magpapa-cute mo.
Kunyari dinaan mo sya sa ingles because you want her to be impressed.
Kunyari ibang tao ka, at ito ang pilit mong pinapakita.

Buti na lang kunwa-kunwari lang
itong kwentong aking inilalaan.
Kunwari ganito, kunway ganyan,
ang dami mo namang mukha sa mamamayan!
Buti na lang kunwa-kunwari lang
itong kwentong aking inilalaan.
Kunwari ganyan, kunway ganito,
teka lang, sino ba itong kausap ko?

Kunyari nagbihis ka pa ng todo-todo kahit na bibili ka lang ng load sa kanto.
Kunyari panay ang sama mo sa mayayaman at kinalimutan mo na ang mga totoo mong kaibigan.
Kunyari mahilig kang manood ng borles kahit na mas malungkot ka pa sa depressed.
Kunyari magaling ka sa martial arts pero mas sensitive ka pa sa tema-arts.
Kunyari gusto mong mamuno pero sarado naman yang utak mo.
Kunyari kabutihan ang simbolo mo pero pera lang pala ang katapat mo.
Kunyari sabay ka lagi sa uso kahit na ‘di komportable ang pakiramdam mo.
Kunyari ibang tao ka at ito ang pilit mong pinapakita!

Buti na lang kunwa-kunwari lang
itong kwentong aking inilalaan.
Kunwari ganito, kunway ganyan,
ang dami mo namang mukha sa mamamayan!
Buti na lang kunwa-kunwari lang
itong kwentong aking inilalaan.
Kunwari ganyan, kunway ganito,
teka lang, sino ba itong kausap ko?

Buti na lang kunwa-kunwari lang
itong kwentong aking inilalaan.
Kunwari ganito, kunway ganyan,
ang dami mo namang mukha sa mamamayan!
Buti na lang kunwa-kunwari lang
itong kwentong aking inilalaan.
Kunwari ganyan, kunway ganito,
teka lang, sino ba itong kausap ko?

credits

from Ilalabas Ko Na Ang Mga Ito Bago Pa Mapanis, released 02 January 2012

tags

license

feed

feeds for this album, this artist

contact / help

For help with downloads, click here.

For all other inquiries, click here.