lyrics
KOYA
Nax! Si koya poging-pogi!
Pansinin ang sapatos! Ang puti-puti!
Kopyang-kopya nya ang nasa T.V.
Basta’s uso, ‘di sya magpapahuli.
Pupunta lang daw sya sa kanto.
Kasama ang kumpareng manloloko.
Pupunahin ang mga tao.
Lahat maghanda na darating na ang bagyo!
Mayabang, mahangin, sya lang daw ang magaling.
Pero deep within ay takot sa bading.
Mga babae ang paboritong bastusin.
Yun lang naman kaya nya, dakdak at tingin.
Araw-araw syang lasing.
At sa gabi, bote ang kasiping.
Pawis at utot nya’y nakakalasing.
Tatamaan ka ‘pag sya’y bumahing!
Koya, ang taas ng ihi mo!
Ah ano, kasi gan’to
Kelangan macho tayo.
Koya, sinong niloko mo?
Ah ano, kasi gan’to
Ah eh, sabay takbo!
Chicks, chicks, chicks lang ang naririnig.
Puro na lang chicks, chicks ang bukam-bibig.
Huling-huli ka na ikaw ay nakatitig
Tigilan ang pantasya, uminom na lang ng tubig
Walang pera pero ang hilig mag waldas
Sorry ka pamilya kung ikaw ang minamalas
Dun sa cabaret sya’y nagpapakupas
Lahat pasulong pero sya’y umaatras
Pasensya kung ang hirap mong bigyan ng respeto
Ang hirap lang talagang bigay sa tulad mo
Ang puso ko ay nalilito
Awa at galit nakaturo sa iyo
Nalulungkot ka ba at ito’y tinatago?
O talagang matigas lang ang ulo mo?
‘Di ka na naawa sa pamilya mo
Pawis at oras binibuhos sa iyo.
Koya, ang taas ng ihi mo!
Ah ano, kasi gan’to
Kelangan macho tayo.
Koya, sinong niloko mo?
Ah ano, kasi gan’to
Ah eh, sabay takbo!
Koya, ang taas ng ihi mo!
Koya, bakit ka amoy chico??
Koya, sarado mo ‘yang zipper mo!
Koya, hindi na uso ang macho!
credits
license
feed

feeds for ,