lyrics
HAYNAKU LESGU
Oy, kamusta? Matagal ka nab a naghihintay?
Balita ko nalason ka daw dahil napanis ang iyong laway.
Ano bang hinihintay, na pumalakpak ang mga kamay?
Bago maghanap-buhay, hanapin mo muna ang iyong buhay?
Ano ba ang iyong silbi? Ano ba ang iyong saysay?
Dun ka bas a tunay o kung saan ka na lang nasanay?
Maraming tanong ang buhay: who, what, where, why.
Magandang masagot mo yan bago tumawid sa iyong tulay
Ito ang aking hamon
Lumabas ka na sa kahapon
Gamitin ang kapangyarihang matagal nang nakabaon
Ito na ang panahon, tumayo at umahon
Tao ay magtipon at sugurin ang ngayon!
Nadapa, nakaluhod, at ika’y pagod na pagod.
Anong oras ka tatayo at nakasimangot na ang ‘yong mga tuhod
Natuto kang tumayo nung ikaw ay sanggol
Ngayon panahon na para balikan mo ang natutunan mo ‘tol
Pagkat hanggang hila lang kayak o
Pagbangon mo’y nasa sa’yo
Hawakan mo ang lupa at tuwid mo ang ‘yong mga braso
Walang kaso ang mga binti mong pinupulikat
Tumayo ka at umahon, pagpagin ang ‘yong balikat
Ito ang aking hamon
Lumabas ka na sa kahapon
Gamitin ang kapangyarihang matagal nang nakabaon
Ito na ang panahon, tumayo at umahon
Tao ay magtipon at sugurin ang ngayon!
credits
license
feed

feeds for ,