lyrics
DUMANS
Ito ang kwento ng puso at utak ni Boy.
Nung minsang magpunta sya sa show ko at sinubukang mag-enjoy.
Ngunit pagdating dun, si utak ay natakot at nahiya.
Halika, pakinggan natin, ito pinag-usapan nila.
Hoy utak ano ba? Sayaw tayo tara!
Daming tao, ang sya! Ito gusto mo diba?
Lahat naghahalakhakan, Sabay-sabay sa tugtugan
Sige na ‘wag ka nang kumey-j! Dumans tayo yehey!
Wait teka lang puso. Upo muna tayo.
Biglang nahiya ako. Ang dami palang tao!
Ok na ako sa tingin-tingin, papuna-puna, papansin-pansin.
Dito na lng ako sa malayo, magtatago
Para kunwari cool ako.
Oy grabe ang stiff mo naman! Pride lang yan kaibigan!
Natatakot kang mapagtawanan kahit di naman kailangan.
Inuuna mo pa ang mata ng iba kesa sa iyong tuwa?
Sige lapit, ‘wag nang mahiya Bilis! Si Pepito na!
Ano ba, siga na sumayaw!
Wala naming mawawala kung ika’y gumalaw.
‘Di naman kailangan yung buong katawan
Kahit sa daliri pwedeng simulan
Sige ayan dahan-dahan ‘Di naman ito pagalingan.
Ayos lang yan kahit simplihan, basta’t sumabay sa tugtugan!
O ayan, narinig mo? Sang-ayon ako kay Pepito!
Ipupusta ko buhay ko ‘lang kakagat sa’yo.
Tumalbog-talgbog sa tunog, Sumigaw na parang may sunog
Paa, tuhod, balikat, ulo, sabay-sabay, igalaw mo!
Teka lang, mahina ang kalaban. Baka pwedeng dahan-dahan.
Matagal ko na itong gusting gawin, kaso nauubusan ng hangin.
Lagi akong umaatras, nasasayang aking oras
Nagsisisi, nahiya kasi, Ayan tuloy, saying aking gabi.
O ngayon alam mo na, simulan sa iyong paa!
Up and down, tap, tap, tap. Tugtugan ay sumasarap.
Ngayon ang iyong ulo, kunwari ika’y umu-oo.
O tara, balik na tayo, ayan na uli si Pepito!
Ano ba, siga na sumayaw! Wala naming mawawala kung ika’y gumalaw.
‘Di naman kailangan yung buong katawan
Kahit sa daliri pwedeng simulan
Sige ayan dahan-dahan. ‘Di naman ito pagalingan
Ayos lang yan kahit simplihan, basta’t sumabay sa tugtugan!
credits
license
feed

feeds for ,