Piling-Pili at Pinong-Pino
credits
released 26 July 2008
written and arranged by Miko Pepito
music production by Bagani Music
E.P. cover concept and execution by Keith Dador
license
feeds

feeds for ,
discography
-
Jan 2012
-
Sep 2010
-
Jul 2010
-
Oct 2008
-
Jul 2008
For help with downloads, click here.
For all other inquiries,
click here.
- Track Name: Pilng-Pili at Pinong-Pino
-
Piling-Pili at Pinong-Pino
Anong maipagyayabang mo bilang isang Pilipino?
Bilang isang kayumangging naka-taas ang noo?
Bilang isang pango na sumasaludo sa ating bandila?
Bilang isang anak ng tatlong tala?
Bukod sa mga tanawin na natutunan natin sa eskwela
Andyan ang mga ugali na hinahanap ng iba
Andyan ang mga ngiti na satin lang makikita
Andyan ang mga kamay na hanep humulma
Bawat bansa may Pilipinong musikero
Doktor, housemaid, inhinyero…
Kahit ano pa yang serbisyo nyo
Tandaan mo na maraming tao ang apektado sa bawat galaw mo.
Huwag mong nila-lang-lang yang position mo
Kasi kung lumaki ng maayos yang alaga mo
Yan ay dahil sa mabubuting asal na itinanim mo
at dahil dyan, ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa’yo
Pilipino. Piling-pili at pinong-pino.
Isang bansang nagpapakilala sa mundo.
Isang kulay na hindi banyaga sa ibang bansa.
Isang diwa na walang kupas na humahawa.
Kinakaya natin ang kaya nila
Nabansagan tayo na magaling mang-gaya
Pero tandaan na ang pag-gaya ay unang hakbang pa lang
Patungo sa isang malupit na produkto na kung anuman
Parang mainit na kutsilyo sa mantikilya
Ganyan ang ating mga dila
Yung tigas at lambing na pinagsama
Yan ang kagandahan ng ating wika
Bakit tayo nangingibang bansa? Dahil lang sa pera.
Pero bakit satin dumadalaw ang mga banyaga?
Dahil meron tayong yamang natural na wala sa kanila
Pinili ng Bathala ang ating lupa para lumikha
Lahat ng tao nagkakamali, buong mundo napapatid
Kaya ‘wag kang mahihiya sa mga nagawa na iyong mga kapatid
Uullitin ko ang mga sinsaabi ng mga bayani noon pa,
Ehem ehem, panahon na!
Pilipino. Piling-pili at pinong-pino.
Hindi ako titigil sa kakasabi nito
Kung hanggang ngayon hindi ka pa rin naniniwala
Iwawagayway ko and bandila natin sa iyong mukha