Ilalabas Ko Na Ang Mga Ito Bago Pa Mapanis

by Miko Pepito

Ilalabas Ko Na Ang Mga Ito Bago Pa Mapanis cover art
/
1.
03:08
2.
02:55
3.
4.
02:55
5.
03:05
6.
03:43
7.
02:59
8.
9.
02:37
10.
02:20
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
02:59
18.

about

Debut album of Filipino Spoken Word Artist, Miko Pepito

credits

released 02 January 2012
Written-Arranged-Produced-engineered by MIKO PEPITO / Distributed by BAGANI MUSIC / cover photo by Tootoots Leyesa /
Maui Manalo and Rocky Bagalacsa appears courtesy of Friendship Records / Nityalila appears courtesy of Love Music / Micheal Jackson did not appear - hence the chos / Uhmmmm ano pa ba / Wala na

tags

license

feeds

feeds for this album, this artist

contact / help

For help with downloads, click here.

For all other inquiries, click here.

Track Name: Ka Bounce
KABOUNCE

Tayong lahat ay magka-bounce
Tayong lahat ay magka-bounce
Itaas mga kamay ng mga nalulumbay
Haliana’t sumakay sa mundo ng makukulay

Kung ika’y nalulungkot, ang noo’y naka-kunot
Ika’y nag-iisa at walang gustong sumama
Andito lang ako pakalat-kalat sa may kanto
Mga kulay kumakalat at ngiti ay bumabanat!

Tayo’y tumalbog para luha ay madurog.
Tayo’y sumayaw kalungkutan ay papanaw
Isa lang ang aking pakay, mahay ka sa kulay
Gagaan ang buhay at lahat pantay-pantay

Tayong lahat ay magka-bounce
Tayong lahat ay magka-bounce
Itaas mga kamay ng mga nalulumbay
Haliana’t sumakay sa mundo ng makukulay

Nanginging ka ba? Hindi ka makatawa?
Ang galit hanggang anit, ulo mo ay umiint!
Huminga ka ng malalim pagka’t ntyao;y tatalon
Kasabay itong tugtog lahat tayo’y tatalbog

Ano pang hinihintay, mag-suot na ng makulay
Sa awit sumabay, buong puso ibigay
Kasama ka ditto kahit sabog ang kilay
Lahat ay imbitado, as in buong mundo!

Tayong lahat ay magka-bounce
Tayong lahat ay magka-bounce
Itaas mga kamay ng mga nalulumbay
Haliana’t sumakay sa mundo ng makukulay


Isama na si Tita, yung tit among mayaman
Isama na si Tito, yung titong mong mayabang
Isama ang kaklase, yung kaklase na pa-bida
Isama niyo rin ako kasi ako nagsulat ng kantang ito diba?

Tayong lahat ay magka-bounce
Tayong lahat ay magka-bounce
Itaas mga kamay ng mga nalulumbay
Haliana’t sumakay sa mundo ng makukulay
Track Name: Dumans
DUMANS

Ito ang kwento ng puso at utak ni Boy.
Nung minsang magpunta sya sa show ko at sinubukang mag-enjoy.
Ngunit pagdating dun, si utak ay natakot at nahiya.
Halika, pakinggan natin, ito pinag-usapan nila.

Hoy utak ano ba? Sayaw tayo tara!
Daming tao, ang sya! Ito gusto mo diba?
Lahat naghahalakhakan, Sabay-sabay sa tugtugan
Sige na ‘wag ka nang kumey-j! Dumans tayo yehey!

Wait teka lang puso. Upo muna tayo.
Biglang nahiya ako. Ang dami palang tao!
Ok na ako sa tingin-tingin, papuna-puna, papansin-pansin.
Dito na lng ako sa malayo, magtatago
Para kunwari cool ako.

Oy grabe ang stiff mo naman! Pride lang yan kaibigan!
Natatakot kang mapagtawanan kahit di naman kailangan.
Inuuna mo pa ang mata ng iba kesa sa iyong tuwa?
Sige lapit, ‘wag nang mahiya Bilis! Si Pepito na!

Ano ba, siga na sumayaw!
Wala naming mawawala kung ika’y gumalaw.
‘Di naman kailangan yung buong katawan
Kahit sa daliri pwedeng simulan

Sige ayan dahan-dahan ‘Di naman ito pagalingan.
Ayos lang yan kahit simplihan, basta’t sumabay sa tugtugan!

O ayan, narinig mo? Sang-ayon ako kay Pepito!
Ipupusta ko buhay ko ‘lang kakagat sa’yo.
Tumalbog-talgbog sa tunog, Sumigaw na parang may sunog
Paa, tuhod, balikat, ulo, sabay-sabay, igalaw mo!

Teka lang, mahina ang kalaban. Baka pwedeng dahan-dahan.
Matagal ko na itong gusting gawin, kaso nauubusan ng hangin.
Lagi akong umaatras, nasasayang aking oras
Nagsisisi, nahiya kasi, Ayan tuloy, saying aking gabi.

O ngayon alam mo na, simulan sa iyong paa!
Up and down, tap, tap, tap. Tugtugan ay sumasarap.
Ngayon ang iyong ulo, kunwari ika’y umu-oo.
O tara, balik na tayo, ayan na uli si Pepito!

Ano ba, siga na sumayaw! Wala naming mawawala kung ika’y gumalaw.
‘Di naman kailangan yung buong katawan
Kahit sa daliri pwedeng simulan

Sige ayan dahan-dahan. ‘Di naman ito pagalingan
Ayos lang yan kahit simplihan, basta’t sumabay sa tugtugan!
Track Name: Haynaku Lesgu
HAYNAKU LESGU

Oy, kamusta? Matagal ka nab a naghihintay?
Balita ko nalason ka daw dahil napanis ang iyong laway.
Ano bang hinihintay, na pumalakpak ang mga kamay?
Bago maghanap-buhay, hanapin mo muna ang iyong buhay?

Ano ba ang iyong silbi? Ano ba ang iyong saysay?
Dun ka bas a tunay o kung saan ka na lang nasanay?
Maraming tanong ang buhay: who, what, where, why.
Magandang masagot mo yan bago tumawid sa iyong tulay

Ito ang aking hamon
Lumabas ka na sa kahapon
Gamitin ang kapangyarihang matagal nang nakabaon
Ito na ang panahon, tumayo at umahon
Tao ay magtipon at sugurin ang ngayon!

Nadapa, nakaluhod, at ika’y pagod na pagod.
Anong oras ka tatayo at nakasimangot na ang ‘yong mga tuhod
Natuto kang tumayo nung ikaw ay sanggol
Ngayon panahon na para balikan mo ang natutunan mo ‘tol

Pagkat hanggang hila lang kayak o
Pagbangon mo’y nasa sa’yo
Hawakan mo ang lupa at tuwid mo ang ‘yong mga braso
Walang kaso ang mga binti mong pinupulikat
Tumayo ka at umahon, pagpagin ang ‘yong balikat

Ito ang aking hamon
Lumabas ka na sa kahapon
Gamitin ang kapangyarihang matagal nang nakabaon
Ito na ang panahon, tumayo at umahon
Tao ay magtipon at sugurin ang ngayon!
Track Name: Sexy Ba?
SEXY BA?

Ako ay sexy ba?
Ang mga bilbil ko ay obvious ba?
Sa ‘ming pinto ako ay ‘di kasya
Aking paa ay ‘di ko makita

(Taba mo kasi eh!)

Grabe men
Ang dami mo nanamang nakain
Naubos mo isang batsang kanin
Dessert na prutas ay isang kaing

(Dami mong naubos!)

Lechon pa? (Sige gusto ko niyan!)
Eh bulalo? (Sige gusto ko niyan!)
Magtubig ka! (‘Di ako makahinga!)
Gutom ka pa rin? (Oo gusto ko pa!)
Lechon pa? (Sige gusto ko niyan!)
Eh bulalo? (Sige gusto ko niyan!)
Magtubig ka! (‘Di ako makahinga!)
Gutom ka pa rin? (Oo gusto ko pa!)

Ako ay Siksik ba?
As in pare kayo’y seryoso ba?
Sa tingin niyo ay may pag-asa pa?
Na ako ay amging sexy pa?

(‘Di ba pambabae yun?)

Diba men
Usapan natin tayo’y mag-jogging
Bakit di ka nanaman gumising?
‘Lang ginawa kungdi tulog-kain!

(Ikaw ay dambuhala!)

Mag-diet ka! (Wala ‘kong oras!)
Maglakad ka naman! (May kotse naman!)
Tumayo ka nga diyan! (nakakatamad!)
Gutom ka pa rin? (Oo gusto ko pa!)
Mag-diet ka! (Wala ‘kong oras!)
Maglakad ka naman! (May kotse naman!)
Tumayo ka nga diyan! (nakakatamad!)
Gutom ka pa rin? (Oo gusto ko pa!)

Ako ay sexy ba?
Ang mga bilbil ko ay obvious ba?
Sa ‘ming pinto ako ay ‘di kasya
Aking paa ay ‘di ko makita
Ako ay Siksik ba?
As in pare kayo’y seryoso ba?
Sa tingin niyo ay may pag-asa pa?
Na ako ay amging sexy pa?

Lechon pa? (Sige gusto ko niyan!)
Eh bulalo? (Sige gusto ko niyan!)
Magtubig ka! (‘Di ako makahinga!)
Gutom ka pa rin? (Oo gusto ko pa!)
Mag-diet ka! (Wala ‘kong oras!)
Maglakad ka naman! (May kotse naman!)
Tumayo ka nga diyan! (nakakatamad!)
Gutom ka pa rin? (Oo gusto ko pa!)
Track Name: Koya
KOYA

Nax! Si koya poging-pogi!
Pansinin ang sapatos! Ang puti-puti!
Kopyang-kopya nya ang nasa T.V.
Basta’s uso, ‘di sya magpapahuli.

Pupunta lang daw sya sa kanto.
Kasama ang kumpareng manloloko.
Pupunahin ang mga tao.
Lahat maghanda na darating na ang bagyo!

Mayabang, mahangin, sya lang daw ang magaling.
Pero deep within ay takot sa bading.
Mga babae ang paboritong bastusin.
Yun lang naman kaya nya, dakdak at tingin.

Araw-araw syang lasing.
At sa gabi, bote ang kasiping.
Pawis at utot nya’y nakakalasing.
Tatamaan ka ‘pag sya’y bumahing!

Koya, ang taas ng ihi mo!
Ah ano, kasi gan’to
Kelangan macho tayo.

Koya, sinong niloko mo?
Ah ano, kasi gan’to
Ah eh, sabay takbo!

Chicks, chicks, chicks lang ang naririnig.
Puro na lang chicks, chicks ang bukam-bibig.
Huling-huli ka na ikaw ay nakatitig
Tigilan ang pantasya, uminom na lang ng tubig

Walang pera pero ang hilig mag waldas
Sorry ka pamilya kung ikaw ang minamalas
Dun sa cabaret sya’y nagpapakupas
Lahat pasulong pero sya’y umaatras

Pasensya kung ang hirap mong bigyan ng respeto
Ang hirap lang talagang bigay sa tulad mo
Ang puso ko ay nalilito
Awa at galit nakaturo sa iyo

Nalulungkot ka ba at ito’y tinatago?
O talagang matigas lang ang ulo mo?
‘Di ka na naawa sa pamilya mo
Pawis at oras binibuhos sa iyo.

Koya, ang taas ng ihi mo!
Ah ano, kasi gan’to
Kelangan macho tayo.

Koya, sinong niloko mo?
Ah ano, kasi gan’to
Ah eh, sabay takbo!

Koya, ang taas ng ihi mo!
Koya, bakit ka amoy chico??
Koya, sarado mo ‘yang zipper mo!
Koya, hindi na uso ang macho!
Track Name: Tabi-Tabi Po
TABI-TABI PO

Excuse me, excuse me! Dadaan ang hari!
Excuse me, excuse me! Lahat kayo tumabi!
Bawal mauna, bawal sumingit,
Bawal pumila, and sumunod may tae sa pwit!
‘Di nyo ba sya nakikilala?
Isa syang prominenteng tao!
Kasama nya mga bakulaw na hahawi sa inyo!
Late na sya sa gobyerno, late na sya sa banyo!
‘Di na kayo naawa kulubot na ang daliri nya sa mga paa!

Ops! Sira ang stoplight! Bahala na si Batman!
Sabay-sabay tayong tumawid, wala namang policeman!
Walang pakundangang umaahas sa lansangan,
Walang pakialam basta lahat nagugulangan,
Iisa lang ang sigaw ng bayan sa lansangan!

Tabi-tabi po, tabi po, poopoopoo
Tabi-tabi po, tabi po, poopoopoo
Tabi-tabi po, tabi-tabi po,
Tabi-tabi po, tabi po!

Excuse me, excuse me. Tatawid yung ali!
Excuse me, excuse me. Pawis na kilikili!
Tinatamad syang dumaan sa overpass
kasi nga naman ang taas-taas.
Tinatamad syang mag-overpass,
kulang sya sa patatas!
Kailangan nang ipaalala sa atin
na bawal tumawid, nakamamatay.
Para yan sa nakaiwan
ng common sense sa bahay.
Yung traffic signs para yan sa mga taong hindi makapaghintay. Yung MMDA art, para yan sa mahihilig sa hugis at kulay!

Ops! Sira ang stoplight! Bahala na si Batman!
Sabay-sabay tayong tumawid, wala namang policeman!
Walang pakundangan umaahas sa lansangan
Walang pakialam basta lahat nagugulangan
Iisa lang ang sigaw ng bayan sa lansangan!

Tabi-tabi po, tabi po, poopoopoo
Tabi-tabi po, tabi po, poopoopoo
Tabi-tabi po, tabi-tabi po, tabi-tabi po,
Tabi po!

Eeennnggg, eeennngg…
Sa labas, sa lansangan,
ang dami-dami-daming…
Eeennnggg, eeennngg…
Sa labas, sa lansangan,
ang dami-dami-daming…
Eeennnggg, eeennngg…
Sa labas, sa lansangan,
ang dami-dami-daming…
Eeennnggg, eeennngg…
Sa labas, sa lansangan,
ang dami-dami-daming…

Tabi-tabi po, tabi po, poopoopoo
Tabi-tabi po, tabi po, poopoopoo
Tabi-tabi po, tabi-tabi po, tabi-tabi po,
Tabi po!
Track Name: Batugan
BATUGAN

e e e e e e e e
Batugan
e e e e e e e e
Inaantok nanaman!

Pare pare pare merong muta ka pa
Tanggalin mo naman yan para hindi ka halata
Mamamga hilik mo grabe parang halimaw
Mamamga laway na panis ay parang sabaw

Tulog, tulog, tulog lang ang laging hiling
Hanggang maubos na ang araw tulog ay mahimbing
Naku ba't ayaw gumising, ulo'y mainitin
Taray, Taraaaay Yeah!

Nalugi ang business, puro tulog
Hindi ka magising kahit na mahulog
Ang gabi ay bitin, ayaw mo ng gising
Oh Oh Oh

Me me me me me me me me meme na daw
grabe e
e e e e e e e e meron pang araw
Walang talab ang kape, umaga man o gabi, and sabi'y
Me me me me me me me me meme na daw

Kahit may fire at may tunog na boom boom boom
Sa kama ay nakabakat, 'di man lang nagulat
Oooo may fire at may tunog na boom boom boom
Sa kama ay nakabakat, 'di man lang nagulat

Heh!

Get up Get up get up ay gumising ka daw
Ang mga muta mong tuyo kadiri parang gawgaw
Nananana ba yan kasi ang kulay niya'y dilaw
Mamamga panaginip mo ay nilalalangaw

Nalugi ang business, puro tulog
Hindi ka magising kahit na mahulog
Ang gabi ay bitin, ayaw mo ng gising
Oh Oh Oh

e e e e e e e e
Batugan
e e e e e e e e
Inaantok nanaman!
Track Name: May Pulis Sa Ilalim ng Ispel
MAY PULIS SA ILALIM NG ISPEL

May pulis, may pulis sa ilalim ng ispel
Humahanga sya sa tatay nyang importante ang papel
Lagi nyang dala ang laruan nya na baril
May pulis, may pulis sa ilalim ng ispel

Bata pa lang sya gusto na nyang maging pulis
Yung magiting, matipuno, pogi at malinis.
4 by 5 na white-side-wall ang buhok
Matingkad ang tsapang sa dibdib nakatusok.
Mabait na bata at masipag mag-aral,
Bago kumain lagi syang nagdarasal.
Minsan nauuna pa sya sa gawaing bahay
Para ‘di daw napapagod ang kanyang nanay.
Pagtanda nya nagbago ang kanyang mundo.
Nawasak ang simbolo ng kanyang idolo.
Sa pera at kapangyarihan sya sumaludo
At ang tatay napakamot na lang ng ulo.

May pulis, may pulis sa ilalim ng ispel
Nakulam sya ng pera, ng barya at ng papel
Kung mapapansin mo laging bago kanyang cell
May pulis, may pulis sa ilalim ng ispel

“Serbisyo sa kapwa”, sabi ng kanyang sarhento
“‘Di na noh!” sabi ng boses sa kanyang ulo.
Bawat makasalubong ay potensyal na kandidato
“Kaching kaching” ang tunog ng kanyang pito
Naka-uniporme pa habang bumibili ng pirata
Gamit nya ang wang-wang pag sinusundo ang asawa
Nadugtungan lang ng patrolman ang pangalan
Akala mo eh binigyan na sya ng isang buong kaharian
Malamang narinig mo na ang kanyang mahiwagang linya
Ito ang madalas na simula ng kanyang litanya
“Hoy! Hindi mo ba alam na pulis ako?”
Isa lang masasabi ko, “Ok! Nice to know.”

May pulis, may pulis sa ilalim ng ispel
Nakulam sya ng pera, ng barya at ng papel
Kung mapapansin mo laging bago kanyang cell
May pulis, may pulis sa ilalim ng ispel

Nung isang araw habang kumakain ang pamilya
Lumapit ang panganay at sinabing “Bad ka!”
Hindi man lang kita maikwento sa eskwela.
Hindi man lang kita matignan sa iyong mata.

Yung pulis, yung pulis nagising sa kanyang ispel
Nanginig yung ulo, nanginig na parang bell
Yung itsura nya parang nahuli sa motel
Yung pulis, yung pulis nagising sa kanyang ispel
Track Name: Kunwari
KUNWARI

Kunyari nanonood ka ng T.V. at nakita mo yung paborito mong celebrity.
Kunyari gusto mo gayahin yung kanyang baro kasi ito ang bago at uso.
Kunyari ito na nga ang suot mo pagpunta mo sa bagong tambayan ng mga tao.
Kunyari pakiramdam mo ikaw na ang the best dahil sa suot mong vest.
Kunyari may nakita kang type mo, at dahil sa suot mo, nilapitan mo.
Kunyari may kausap ka pa sa telepono bara ‘di obvious ang magpapa-cute mo.
Kunyari dinaan mo sya sa ingles because you want her to be impressed.
Kunyari ibang tao ka, at ito ang pilit mong pinapakita.

Buti na lang kunwa-kunwari lang
itong kwentong aking inilalaan.
Kunwari ganito, kunway ganyan,
ang dami mo namang mukha sa mamamayan!
Buti na lang kunwa-kunwari lang
itong kwentong aking inilalaan.
Kunwari ganyan, kunway ganito,
teka lang, sino ba itong kausap ko?

Kunyari nagbihis ka pa ng todo-todo kahit na bibili ka lang ng load sa kanto.
Kunyari panay ang sama mo sa mayayaman at kinalimutan mo na ang mga totoo mong kaibigan.
Kunyari mahilig kang manood ng borles kahit na mas malungkot ka pa sa depressed.
Kunyari magaling ka sa martial arts pero mas sensitive ka pa sa tema-arts.
Kunyari gusto mong mamuno pero sarado naman yang utak mo.
Kunyari kabutihan ang simbolo mo pero pera lang pala ang katapat mo.
Kunyari sabay ka lagi sa uso kahit na ‘di komportable ang pakiramdam mo.
Kunyari ibang tao ka at ito ang pilit mong pinapakita!

Buti na lang kunwa-kunwari lang
itong kwentong aking inilalaan.
Kunwari ganito, kunway ganyan,
ang dami mo namang mukha sa mamamayan!
Buti na lang kunwa-kunwari lang
itong kwentong aking inilalaan.
Kunwari ganyan, kunway ganito,
teka lang, sino ba itong kausap ko?

Buti na lang kunwa-kunwari lang
itong kwentong aking inilalaan.
Kunwari ganito, kunway ganyan,
ang dami mo namang mukha sa mamamayan!
Buti na lang kunwa-kunwari lang
itong kwentong aking inilalaan.
Kunwari ganyan, kunway ganito,
teka lang, sino ba itong kausap ko?
Track Name: I'm A Bee
I’M A BEE

I’m a bee
I’m a bee
I’m a, I’m a, I’m a bee

Ako ay isang bubuyog
Hindi ako mahilig sa niyog
Ang gusto ko ay mga bulaklak
Makukulay at mahalimuyak

Meron din akong pang-sting
Mas malupit sa kagat ng pating
Mamamaga lahat, pati ang ngipin
Kaya’t ‘wag na ‘wag niyo ako iinisin

I’m a bee
I’m a bee
I’m a, I’m a, I’m a bee

Andito na kami ang buong barkada
Naghahanap ng gumamela
Kaso lang may mga halimaw
Mga pesteng, pesteng bangaw

Hinamon kami sa isang karera
Mula Laguna hanggang Ayala
Kami ang nanalo syempre nga naman
Dahil ebak sa daan kanilang sinunggaban

Ama Bee ang aking ama, siay ang aking tatay
Ina Bee ang aking ina, sya ang aking nanay
Kuya Bee tawag saking kuya, Ate Bee tawag saking ate
Tawag sa’ming mga sanggol, walang iba kundi baby!

Presidente naming ay si NoyBee
Bise-Presidente ay si NayBee
Gobernador naming ay si Ate Bee
Senador naming ay si JamBee

Mahilig kaming manood ng TV
Paborito naming si Micheal Bee
Ang laki-laki ni Joliibee
Pero mas malaki si Bumble Bee!

I’m a bee
I’m a bee
I’m a, I’m a, I’m a bee
Track Name: Maging Sino Ka Man
MAGING SINO KA MAN

Ang pag-ibig ay sadyang ganyan
Tiwala sa isa’t-isa’y kailangan
Dati mong pag-ibig wala akong paki-alam
Basta’t mahal kita kailan pa man

Wala pa po akong ibang minamahal, ikaw ang una
Ay teka, nauna pala sayo si Cinderella
Pero walang nangyari sa’min promise
Drawing kasi sya, tahimik at isnabera

Ang aking dalumhati ay sa sports ko dinaan
Ito lang kasi ang nakita kong paraan
Sa Kung-Fu at Gymnastics ako’y nagpaka-sasa
Kasi sa pagiging ninja, gusto ko maging dalubhasa

‘Wag kang mag-isp ng ano pa man
Mga paliwanag mo’y ‘di na kailangan
At kahit ano pa man ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man

Weh?
Kahit dati akong basurero
na mamboboso
At paborito kong amuyin labi ko,
Ok lang sa’yo?
Kahit na galit ako sa anino ko ‘pag nasa harap sya
Kasi ako dapat sinusundan niya and not vice versa
Ok lang sa’yo,
na kahit hindi mo pa ako kilala
Isang taon na kitang sinusundan
Ganun pa man
Mamahalin mo pa rin ako magpakailan man?
Ows? Sige nga tignan ko.
One time lang.
Paamoy ng labi mo.

Mahal kita
Basta’t mahal kita
Iniisip nila na hindi mahalaga
Mahal kita
Maging sino ka man

Teka teka teka teka
Sino ang nag-sabi
na ang pag-ibig ay hindi mahalaga?
Baka patumba ko sila sa mga kaibigan kong ninja
Hindi ba nila alam
na ang pag-ibig ang nagpapa-ikot sa ating mundo
Ang kaso
‘Yung tsuper mukang maaga nag-retiro
Pero hayaan mo, handa akong palitan sya
Dahil sa’yo ang pag-ibig ko’y umaapaw na
At dahil dito magpapasalamat sa’yo ang buong mundo
Pero bago ko gawin ‘to
Sige na, one time lang,
Paamoy naman ng labi mo.

Mahal kita
Basta’t mahal kita
Iniisip nila na hindi mahalaga
Mahal kita
Maging sino ka man
Track Name: Piling-Pili at Pinong-Pino
PILING-PILI AT PINONG-PINO

Anong maipagyayabang mo bilang isang Pilipino?
Bilang isang kayumangging naka-taas ang noo?
Bilang isang pango na sumasaludo sa ating bandila?
Bilang isang anak ng tatlong tala?
Bukod sa mga tanawin na natutunan natin sa eskwela
Andyan ang mga ugali na hinahanap ng iba
Andyan ang mga ngiti na satin lang makikita
Andyan ang mga kamay na hanep humulma

Bawat bansa may Pilipinong musikero
Doktor, housemaid, inhinyero…
Kahit ano pa yang serbisyo nyo
Tandaan mo na maraming tao ang apektado sa bawat galaw mo.
Huwag mong nila-lang-lang yang position mo
Kasi kung lumaki ng maayos yang alaga mo
Yan ay dahil sa mabubuting asal na itinanim mo
at dahil dyan, ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa’yo

Pilipino. Piling-pili at pinong-pino.
Isang bansang nagpapakilala sa mundo.
Isang kulay na hindi banyaga sa ibang bansa.
Isang diwa na walang kupas na humahawa.

Kinakaya natin ang kaya nila.
Nabansagan tayo na magaling mang-gaya.
Pero tandaan na ang pag-gaya ay unang hakbang pa lang
Patungo sa isang malupit na produkto na kung anuman.
Parang mainit na kutsilyo sa mantikilya
Ganyan ang talas ng ating mga dila.
Yung tigas at lambing na pinagsama
Yan ang kagandahan ng ating wika.

Bakit tayo nangingibang bansa? Dahil lang sa pera.
Pero bakit satin dumadalaw ang mga banyaga?
Dahil meron tayong yamang natural na wala sa kanila.
Pinili ng Bathala ang ating lupa para lumikha.

Lahat ng tao nagkakamali, buong mundo napapatid
Kaya ‘wag kang mahihiya sa mga nagawa na iyong mga kapatid.
Uullitin ko ang mga sinsabi ng mga bayani noon pa,
Ehem ehem, panahon na!

Pilipino. Piling-pili at pinong-pino.
Isang bansang nagpapakilala sa mundo.
Isang kulay na hindi banyaga sa ibang bansa.
Isang diwa na walang kupas na humahawa.
Pilipino. Piling-pili at pinong-pino.
Hindi ako titigil sa kakasabi nito
Kung hanggang ngayon hindi ka pa rin naniniwala
Iwawagayway ko and bandila natin sa iyong mukha

PILIPINO. PILING-PILI AT PINONG-PINO.
Track Name: Kung Kailangan Mo Ako
KUNG KAILANGAN MO AKO

Nananahimik ako isang araw
Nang bigla na lang ang puso ko’y ninakaw
Nalaglag ito at ikaw ang dumampot
Pambihira wala na akong nagawa, tuhod ko ay nanlambot

Ang ganda mo kasing dalaga kaya hiningi ko ang ‘yong pangalan
Simula nun ngiti ko ay hindi na mapigilan
Simula nun kasama mo ako kahit saan
Simuna nun hanggan ngayon, pag-ibig ko’y sagad-sagaran

Ngunit ating ibigan ay tila pinipigilan
Hindi ko maintindihan kanilang mga dahilan
Pero isang konsepto ang buo saking isipan
Wala nang mas pupuro pa sa’ting pagmamahalan

Kahit na ano pa ang sabihin ng iba
Lumabas man sa bibig nila’y puro panghuhusga
Isisigaw ko sa buong mundo mahal kita
Ito ang pangako ko sa’yo sinta

At kung kailangan mo ako
‘Di mo na kailangan sumigaw
‘Di mo na kailangan humiyaw
‘Di na rin kailangan na ang boses ay ihataw
Tatakbo
Kahit na ano para lang sa’yo
Ibibigay sa’yo ang buong mundo
Hingin mo lang ito
Andyan agad sa’yo

At kung kailangan mo today
All you need to do is say “Hey!”
Andyan agad sa iyong tabi
Bigyan pa kita everyday ng isang boquet
Tatakbo
Kahit na ano para lang sa’yo
Ibibigay sa’yo ang buong mundo
Hingin mo lang ito
Andyan agad sa’yo

Tandaan
Na itong pangako ko inaalay ko sa’yo magpakailanman
Tandaan
Mundo man ay baliktarin
Ako’y andidito pa rin
Handing-handang lumaban
Laging tandaan
Na lagging balikan’ang naging dahilan
Ng ating pagmamahalan
At pinapangako ko sa’yo
Hindi ka nag-iisa sa labang ito

At kung kailangan mo ako
‘Di mo na kailangan sumigaw
‘Di mo na kailangan humiyaw
‘Di na rin kailangan na ang boses ay ihataw
Tatakbo
Kahit na ano para lang sa’yo
Ibibigay sa’yo ang buong mundo
Hingin mo lang ito
Andyan agad sa’yo

At kung kailangan mo today
All you need to do is say “Hey!”
Andyan agad sa iyong tabi
Bigyan pa kita everyday ng isang boquet
Tatakbo
Kahit na ano para lang sa’yo
Ibibigay sa’yo ang buong mundo
Hingin mo lang ito
Andyan agad sa’yo
Track Name: Man In The Mirror
MAN IN THE MIRROR

Grabe ang gwapo mo
Saludo na’ko sa iyo
Ang kinis ng iyong balat
Ang kilay mo’y hindi kalat

Grabe ang cute-cute mo
Ikaw ay aking idolo
Kiss at hug ay ‘di sapat
Dapat sa’yo binubuhat
Track Name: Magtanim Ay 'Di Biro
MAGTANIM AY ‘DI BIRO

Magtanim ay ‘di biro
Lalo na ‘pag galit ang tinanim mo
Kasi ‘pag yan ‘di mo nailabas
Mapapanis yan bukas
Kung sakaling maulit ‘to
Puputok yang dibdib mo
Lalabas nang wala sa lugar
Lahat tuloy sa’yo asar

Kung nung bata ka, tinisod ka
Binatukan, pinaiyak ka
Pinahiya at tinawag ka pa na mukang muta.
Lumabas ang kamao pero tinago rin sa bulsa.
Dahil ‘yan ang tinuro ng iyong ama’t ina.

Ngayon anong plano mo sa galit na naranasan mo?
Ipapasa mo ba ‘to sa katabi mo?
Kung uulit lang ang proseso at kakalat sa ibang tao
Malamang bago maghapunan nakabalik na ‘to sa’ yo.

Ngayong ika’y tumatanda na ang taas na ng pader mo.
Ni hindi ko na nga naririnig ang tibok ng iyong puso.
Kailangan ko pa bang humingi ng tulong sa akyat-bahay
Para lang makilala ko ang iyong tunay na kulay?

Kelan ba ang byahe? Andami mo kasing bagahe.
Baka pwedeng iwan mo na lang yan dyan sa may kalye.
Maraming paraan para ito’y burahin.
Isulat mo, ikwento mo, o ibulong mo sa hangin.

Magtanim ay ‘di biro
Lalo na ‘pag galit ang tinanim mo
Kasi ‘pag yan ‘di mo nailabas
Mapapanis yan bukas
Kung sakaling maulit ‘to
Puputok yang dibdib mo
Lalabas nang wala sa lugar
Lahat tuloy sa’yo asar

OOH! Aray! Ang saklap ng buhay.
Araw-araw pagkatao mo’y namamatay.
Walang iba kundi sarili mo ang sisisihin.
‘Yung mga letra ng pangalan mo’y wala ng ibig-sabihin.

Sino ka? Malay ko! Tanong mo sa umapi sa’yo.
Pero ‘wag ka nang umasang ibabalik pa nya ito.
Kasi hindi naman nawala, ikaw lang ang nagtago.
Yung kalat mo inipon mo, ayan tuloy natabunan mo.

Subukan mo, tanggalin mo ang iyong maskara.
Siguradong matutuwa ka sa iyong makikita.
Tapos kahit ano pa ang sabihin ng iba,
Buong-buo sa’yo na pogi at maganda ka!

Ngayong wala ka nang dala mas madali nang gumalaw.
Yung mga kilos mo, swabe, parang lagi kang sumasayaw.
Yung mga balikat mo hindi na mangangawit
Sa takot, sa yabang, at kung ano-ano pang nakasabit.

Magtanim ay ‘di biro
Lalo na ‘pag galit ang tinanim mo
Kasi ‘pag yan ‘di mo nailabas
Mapapanis yan bukas
Kung sakaling maulit ‘to
Puputok yang dibdib mo
Lalabas nang wala sa lugar
Lahat tuloy sa’yo asar
Track Name: Woman In The Mirror
WOMAN IN THE MIRROR

Grabe ang ganda mo
Saludo na’ko sa iyo
Ang kinis ng iyong balat
Ang kilay mo’y hindi kalat

Grabe ang cute-cute mo
Ikaw ay aking idolo
Kiss at hug ay ‘di dapat
Sexual harassment kasi ‘yun
Track Name: Tuloy-Tuloy
TULOY-TULOY

Gusto kong tumalon, gusto kong lumipad
Gusto kong gumulong sa kalsadang malapad
Gusto kong magbisikleta, gusto kong magmaneho
Gusto kong magpahinga muna ang mga kuneho
Gusto kong kumindat, gusto kong maduling
Gusto kong pansinin natin uli ang ating sining
Gusto kong pagpawisan, gusto kong mabanat
Gusto kong makilala ang ating yamang gubat at dagat

Gusto kong nakakakita ng mga taong naka-ngite
Gusto kong pigain ang inyong mga pisnge
Gusto kong ayusin ang pila sa MRT
Gusto kong nakikita nyo ako sa inyong TV
Gusto ko ang amoy ng hinog na mangga
Gusto kong abanagan ang inyong bagong tula
Gusto kong nakakausap ang mga taong kwela
Gusto kong magpansinan ang ‘ di magkakilala

May nagsindi ng apoy
Nag-hukay ng kumunoy
Ngunit heto pa rin ako
Tuloy-tuloy
Ako’y nangangamoy
“Tigilan mo ‘yan boy!”
Ngunit heto pa rin ako
Tuloy-tuloy

Gusto kong maghanda, gusto kong masabik
Gusto kong nagmemeryenda ng sumang latik
Gusto kong kumendeng, gusto kong mangilabot
Gusto kong maabot ang hindi ko makamot
Gusto kong tumawid, gusto kong makarating
Gusto kong marinig ang iyong mga daing
Gusto kong sumipol, gusto ko ng talento
Gusto kong ibalik ang salitang respeto

Gusto ko ang amoy ng pinipritong bawang
Gusto kong makamayan ang mga taong matapang
Gusto kung kumakain ng bagong luto
Gusto kong masanay na derecho ang upo
Gusto kong makausap ang mga nawawalan ng pag-asa
Gusto kong makasama ulit ang aking pamilya
Gusto kong tanggapin natin ang ating sitwasyon
Gusto kong makaisip ng isang magandang solusyon

May nagsindi ng apoy
Nag-hukay ng kumunoy
Ngunit heto pa rin ako
Tuloy-tuloy
Ako’y nangangamoy
“Tigilan mo ‘yan boy!”
Ngunit heto pa rin ako
Tuloy-tuloy